Sampung Bilin ng PDOS
- Isa-isip ang gusto mong makamit sa iyong pagtrabaho sa ibang bansa. Ito ang susi ng iyong tagumpay.
- Ihanda ang sarili sa trabahong haharapin sa labas ng bansa.
- Tandaan ang iyong responsibilidad at karapatan. Ito ay gabay mo sa pagganap sa iyong tungkulin.
- Umangkop sa batas at kultura ng bansang pupuntahan. Ito ay iyong magiging pansamantalang tirahan.
- Pangalagaan ang kalusugan. Kailangan ang malusog na pangangatawan sa trabahong gagampanan.
- Buksan ang isipan sa bagong kaalaman at kasanayan. Ito ay hagdan sa tagumpay.
- Makipag-ugnayan sa pamilyang naiwan. Panatilihing buo ang pamilya kahit malayo ka.
- Mag-ipon dahil ang katuparan ng iyong mga pangarap ay nakasalalay dito.
- Maghanda at magplano para sa iyong pagbabalik.
- May mga ahensya ng pamahalaan na makakatulong sa oras ng pangangailangan. Huwag mag-atubiling sila ay lapitan.
“Sa tamang kaalaman, sigurado ang kaligtasan at tagumpay”
Source: OWWA