OFWs Urged to Save Earnings for the Future
Taun-taon, maraming Pinoy ang napipilitang mangibang bansa para makapag-trabaho at buhayin ang kanilang pamilya. Ito ang gustong tugunan ng isang grupo kaya nagsagawa sila ng OFW and Family Summit. Tinuruan ang mga OFW ng pagnenegosyo at tamang paraan ng paglalagak ng inipong kita. Ito ay para kalaunan ay hindi na nila kailangang iwan ang kanilang pamilya para magtrabaho sa ibang bansa. Bandila, November 26, 2015, Huwebes