OFWs sa Israel Lalahok din sa Flores De Mayo at Labor Day
By Bombo ViganPosted in Latest NewsSaturday, 30 April 2016 11:14
VIGAN CITY – Magpaparada ang ilang mga Pinoy sa selebrasyon ng Flores de Mayo at Labor Day sa Israel matapos pormal na inanyayahan sila ng embahada ng Pilipinas sa nasabing bansa.
Ayon kay Federation of Filipino Communities in Israel President Geoffrey Olayan sa Tel Aviv, kasama rin ang mga pinoy OJT students sa Agro Studies ang pinayagang makisali sa nasabing selebrasyon dahil kanselado naman ang kanilang klase.
Idinagdag ni Olayan, na taun-taon ay ipinagdiriwang ang dalawang nasabing okasyon sa Philippine Embassy kasama ang ilang mataas na opisyal ng Pilipinas at ng Israel.
Pagkatapos umano ang parada at programa ay sabay na manananghalian at magdadaos ng mga “palarong Pinoy.”
Inaasahang bubuhos ang mga Pinoy sa embahada sa embahada ng Pilipinas sa Tel Aviv.
(Source: BomboRadyo.com)