Drogang bitbit ng 4 Pinay, nakalusot umano sa NAIA
Sa gitna ng mahigpit na kampanya kontra mga bala ng baril sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), tila nakaligtaan naman umano nitong bantayan ibang kontrabandong nakakapuslit sa bansa.
Ayon sa Volunteers Against Crime and Corruption (VACC), apat na Pilipina ang inaresto sa Hong Kong matapos makuhanan ng mga droga.
Agad inaresto sa airport at kinasuhan ng drug trafficking ang apat dahil sa pagdadala ng nasa 2.5 kilo ng hinihinalang cocaine mula sa Maynila.
Sinasabing nagkakahalaga ang droga ng mahigit $3.1 milyon.
– Umagang Kay Ganda, 2 November 2015