Pagtanggal ng Stigma at Deskriminasyon sa AIDS Victims, Sentro ng World AIDS Day
WASHINGTON – Ginugunita ng buong mundo ang World AIDS Day ngayong araw, isang pagkakataon para magkaisa ang international community sa kampanya laban sa HIV/AIDS.
Sa Amerika, mismong si US President Barack Obama ang nanawagan sa mga mamamayan na makiisa sa mga aktibidad.
Tiniyak ni Obama ang commitment ng Estados Unidos upang pangunahan ang laban sa AIDS at marami pa umano ang dapat gawin para matalo ang sakit, lalo’t patuloy aniya ang deskriminasyon at stigma para sa mga biktima.
Binibigyang pugay din sa 26th World AIDS Day ang mga nasawi sa virus.
Sa United Kingdom, isa si Prince Harry sa mga tampok na magbibigay ng awareness sa global campaign.
Sa South Africa na nananatiling may pinakamatas na HIV infection sa mundo, focus ng aktibidad ang xero stigma at zero descrimination sa mg AIDS victims.
Nais din ng South Africa na mapababa ang mga bagong kaso ng HIV infection.
Naglipana naman ang mga red ribbon maging sa digital media, na simbolo ng AIDS campaign.
Hindi rin nagpahuli ang mga celebrities kagaya ni Victoria Beckham na gumawa ng T-shirt para awareness campaign.
Batay sa data ng UNAIDS, tinatayang nasa 34 million katao sa buong mundo ang may HIV habang higit 35 million naman ang namatay dahil sa nasabing sakit.
Una rito ay nagbabala ang UNAIDS na hindi na makontrol ang AIDS kung hindi aaksyon ang mga world leaders.
Target ng UN ang zero discrimination sa mga HIV victims sa 2020.
(Source: Bombo Leizl Galan – Bombo Radyo Philippines)