OFWs na Apektado ng Travel Ban Kaugnay ng nCoV Threat, Tutulungan ng DOLE

By RadyoMaN Manila

Tutulungan ng gobyerno ang Overseas Filipino Workers (OFW) na apektado ng temporary travel ban sa China, Hong Kong at Macau sa harap ng banta ng 2019 novel corona virus.

Sa isang memorandum ng DOLE, inatasan nito ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na bigyan ng sampung libong pisong cash assistance, accommodation at transportation ang bawat isang OFW na stranded dahil sa travel ban.

Partikular ang mga hindi muna papayagan na makabalik sa nasabing mga lugar.

Ang stranded OFWs ay maaaring manatili pansamantala sa OWWA halfway house habang inaayos ang kanilang magiging biyahe pauwi sa kani-kanilang lalawigan.

Source: https://rmn.ph

Back to top button

Adblock Detected

Please consider supporting us by disabling your ad blocker