Sampung Bilin ng PDOS

  1. Isa-isip ang gusto mong makamit sa iyong pagtrabaho sa ibang bansa. Ito ang susi ng iyong tagumpay.
  2. Ihanda ang sarili sa trabahong haharapin sa labas ng bansa.
  3. Tandaan ang iyong responsibilidad at karapatan. Ito ay gabay mo sa pagganap sa iyong tungkulin.
  4. Umangkop sa batas at kultura ng bansang pupuntahan. Ito ay iyong magiging pansamantalang tirahan.
  5. Pangalagaan ang kalusugan. Kailangan ang malusog na pangangatawan sa trabahong gagampanan.
  6. Buksan ang isipan sa bagong kaalaman at kasanayan. Ito ay hagdan sa tagumpay.
  7. Makipag-ugnayan sa pamilyang naiwan. Panatilihing buo ang pamilya kahit malayo ka.
  8. Mag-ipon dahil ang katuparan ng iyong mga pangarap ay nakasalalay dito.
  9. Maghanda at magplano para sa iyong pagbabalik.
  10. May mga ahensya ng pamahalaan na makakatulong sa oras ng pangangailangan. Huwag mag-atubiling sila ay lapitan.

“Sa tamang kaalaman, sigurado ang kaligtasan at tagumpay”

Source: OWWA

Back to top button

Adblock Detected

Please consider supporting us by disabling your ad blocker