6 Pinoy Patay sa Sunog sa Riyadh, Saudi Arabia
By Bombo Dave Vincent Pasit
Patay ang anim na Pilipino sa nangyaring sunog sa isang bahay sa Riyadh, Saudi Arabia.
Batay sa initial information na inilabas ni ACTS-OFW partlist Rep. John Bertiz, kabilang sa mga nasawing Pilipino ay buntis.
Aniya, tulog ang mga biktima nang naganap ang sunog.
Bukod sa anim, mayroon dalawa pang Pinoy na sugatan naman dahil sa naturang insidente.
Sa ngayon ay wala pang inilalabas na impormasyon o ulat ang Department of Foreign Affairs hinggil sa nasabing sunog.
Inaantay pa rin sa ngayon ang pagkakakilanlan ng mga biktima.
(Source: BomboRadyo.com)