Pamumuhay ng mga Pinoy, Balik-Normal na sa Belgium
Balik-normal na ang pamumuhay ng halos 6,000 Pilipino sa Belgium, matapos angpambobomba sa airport at train station sa Brussels.
Sa panayam ng dzMM, binalita ni Philippine Ambassador to Belgium and Luxemburg Victoria Bataclan na tuloy-tuloy na ang mga aktibidad ng mga Pinoy kasunod ng pag-atake na kumitil sa 35 tao.
Dagdag ni Bataclan na maayos na ang kalagayan ng Pilipinang nasaktan sa pambobomba sa train station.
(PANOORIN: Pinay na nakaligtas sa Brussels attacks, nagbahagi ng karanasan)
Karamihan aniya sa mga Pinoy sa Belgium ay nagtatrabaho bilang nurse at patuloy ang pagkuha sa kanilang serbisyo.
Ibinalita rin ni Bataclan na ibinaba na sa “alert level 3” ang “maximum security alert” sa Belgium, kahit hindi pa naibabalik nang buo ang operasyon ng Brussels Airport.
Kabilang ang isang Filipino-American na misis sa mga nasawi sa pag-atake ng grupong Islamic State (ISIS) sa Belgium.
(Source: ABS-CBN.com)