OFWs Binalaan Vs Pekeng Passport Extension Stamp

Pinayuhan ng konsulado sa Dubai at Northern Emirates ang mga Pilipino roon na magdoble ingat sa mga manloloko sa pag-proseso ng pasaporte.

Nadagdagan na naman kasi ang nabiktima ng pekeng passport validity extension.

Aminado ang mga biktima na fixer ang nilapitan nila para sa passport extension.

Mula sa dapat ay 100 dirham na bayad, mahigit 700 dirham ang siningil sa kanila o higit P9,000 pero peke rin pala ang extension stamp.

Hinikayat ni Consul Ferdie Flores ang mga nabiktima na agad dumulog sa kanila.

Nakikipagtulungan na rin ang konsulado sa mga pulis para mahuli ang mga nasa likod ng modus.

– Umagang Kay Ganda, 26 Pebrero 2016

 

(Source: ABS-CBN.com)

Back to top button

Adblock Detected

Please consider supporting us by disabling your ad blocker