Agency Pinagmulta Dahil sa Sobrang Paniningil
Isa na namang employment agency ang pinarusahan matapos maningil ng labis sa isang domestic helper.
Ang agency na Artellect Limited, na nasa Tsuen Mun, ay pinagmulta ng HK$45,000 dahilumabag sa batas laban sa pagsingil ng higit sa 10% ng buwang sahod bilang agency fee.
Idenemanda ng Labor Department ang ahensiya matapos magreklamo ang domestic helper a siningil siya ng labis. Tumayo rin itong testigo bilang biktima.
Ang Artellect ay ang ikawalong employment agency na naparusahan na sa taong ito sa paglabas ng batas paggawa.
Ang pitong iba pang naoparusahan at ang Bagus Employment Agency sa Central, ang Satisfactory Employment & Travel Centre Limited sa Tai Wai, ang Vicks Maid Consultant Company sa Sha Tin, ang Joyce Agency sa Kwai Chung, ang Maidhouse Employment Agency Co Limited (sa Tsuen Wan, ang Smile Sunshine Employment Limited sa North Pointat ang Shun Tat Employment Agency Company sa Causeway Bay.