30 OFW, ‘Stranded’ sa Saudi Arabia Matapos Malugi ang Isang Kompanya

 

Halos 30 pang manggagawang Pinoy ang stranded sa Al-Khobar, Saudi Arabia matapos mawalan ng trabaho dahil sa pagkalugi ng kompanyang kanilang pinapasukan. 

Tapos na rin ang amnesty program ng Saudi government kaya hindi na sila nakasama sa listahan ng mga pinauwi sa Pilipinas.

Isa sa mga apektadong OFW si Albert Catalino, na nag-expire na ang Iqama o residence permit, at ngayo’y tuluyan nang stranded sa Saudi Arabia dahil hindi mabigyan ng exit visa.

Limang taon dapat ang kontrata ni Albert, pero naging dalawang taon na lang ito nang malugi ang kompanya

Ang masaklap pa, wala na siyang sinahod nitong huli.

Ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), nakikipag-usap na sa mga apektadong kompanya ang ating embahada sa Saudi Arabia para mapabilis ang pagpapauwi ng mga OFW at pagproseso ng kanilang mga Iqama.

Nangako rin si OWWA Deputy Administrator Josefino Torres na tutulungan ang mga OFW na makuha ang naiwang sahod at benepisyo.

— Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News

 

(Source: ABS-CBN.com)

Back to top button

Adblock Detected

Please consider supporting us by disabling your ad blocker