193 Bicolanong OFW Galing Saudi, Nakabalik na; tig-P30-K Tulong Pinansiyal
By Bombo Legazpi
LEGAZPI CITY – Nakauwi na sa bansa ang mahigit 200 mga overseas Filipino workers (OFW) na na-displace sa Saudi Arabia.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Ms. Rowena Alzaga, ang tagapagsalita ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA-Bicol), masayang ibinahagi nito na nag-avail ng kanilang programa ang 193 na Bicolano OFWs.
Samantala, mabibigyan naman ng P20,000 ang mga empleyado mula sa siyam na construction at maintenance company sa naturang bansa.
Habang sa naghihintay naman na pamilya ng mga OFWs sa Bicol, maaaring magtungo ang mga ito sa kanilang opisina upang i-claim ang financial assistance na nagkakahalaga ng P6,000.
Sa kabuuan, makakatanggap ng P26,000 ang pamilya ng mga OFWs.
(Source: BomboRadyo.com)